PUMP-and-DUMP SCHEME (Short-Trade)


May maraming grupo na ganito sa bawat trading site. Binubuo nila ito for their own benefits. Meaning magpupump ang isang coin for them to gain the most profit. Kadalasan saglit lang ito mangyayari. Napakarisky talaga nito kung isa ka sa mahype nila, mauwi lang sa tengga ang coin mo dahil kadalasan makabili na tayo sa trending stage, mahal at huli na.
Pano ba nila gawin ito?

First is mag-uusap sila kung anong coin ang kanilang ipupump this time. Mostly target nilang coin ay yung cheap at natutulog ang market (Ninja moves). Pagnakabili na sila ng mura in volume sa target amount ng coins nila ay mag-sisimula na silang mag-ingay o mang hype to buy the said coin kahit saan, sa trollbox, FB, twitter and other forums.

"Buy this coin it will pump later!!!"

And most of the time magiging successful nga ang kanilang plano. Bibili lang ng bibili ang mga baguhan, nagbabakasakaling magkaprofit. Tataas ang volume at demand ng coin so tataas din ang value nya. Once mahit na ang target nilang price, then they will suddenly start to SELL all their coins they bought. At magsimula ng bumagsak ang price ng coin. Syempre, pag nakita ng mga newbies ang pagbagsak ay magpanic sell na kadalasan.

So, in short, naisahan lang ang baguhan ng mga ito. Sad

Napaka-unfair talaga sa ganitong paraan para magkaprofit. Kaya always buy at the best price. Dont believe everything from chatrooms. (Y)

Make your own research.




Like my blog?? 

Donations are much appreciated. :)
BTC addy: 33LbTFF9GqZbnTP6GuW9Q8grGJrZdgjqV4



Thanks.
PUMP-and-DUMP SCHEME (Short-Trade) PUMP-and-DUMP SCHEME (Short-Trade) Reviewed by Zbatzky on 1:16 AM Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.